Kakapusan ng healthcare workers, Inaaksyunan ng pamahalaan—IATF

KUMIKILOS at matutugunan ang nararanasang kakapusan ng healthcare workers sa mga pampubliko at pampribadong ospital.

Ito ang tiniyak ni Inter-Agency Task Force (IATF) Vice Chair Karlo Nograles.

Ani Nogrles, puspusan ang paghahanap ng gobyerno ng karagdagang manpower mula sa ibang rehiyon na may mababang kaso ng COVID-19 upang ideploy sa high-risk areas tulad ng mga kabilang sa NCR+ Bubble.

Bukod pa ito sa ikinakasang hiring ng Department of Health sa mga doctor, nurse at iba pang medical personnel bilang karagdagang puwersa sa paglaban sa COVID-19 crisis.

Kasabay pa nito, tiniyak na tinututukan din aniya ng pamahalaan ang pagtatayo ng karagdagang kapasidad sa mga ospital at pagtatalaga ng dagdag na kama para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Sa kabila na kinakaharap na kakapusan ng mga healthcare workers ay positibo ang pamahalaan na matutugunan ang pandemyang ito.

Groundbreaking ceremony sa itatayong Mega COVID field hospital ng Maynila, isinagawa na

Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila at ilang opisyal ng National Task Force against COVID-19 ang groundbreaking ceremony para sa itatayong Mega COVID field hospital sa lungsod.

Burnham Green.Rizal park Groundbreaking
Burnham Green,Rizal park Groundbreaking

Ang naturang Mega COVID field hospital sa lungsod ay itatayo sa 2.8 hectares Burnham Green ng Rizal park.

Nasa 336 ang bed capacity ng pasilidad at ilalaan ito para sa mga mild to moderate COVID-19 patients.

At kung matatapos na ito, anim na district hospital ng Maynila ang mababakante at mailalaan na nila ang kanilang mga kama para sa mga severe at critical COVID patients.

Target ng Manila LGU na matatapos ang konstruksyon sa loob lamang ng dalawang buwan.

SMNI NEWS