DAPAT sinusuri ang kakayahan ng magiging hepe ng Philippine Coast Guard (PCG).
Komento ito ni Atty. Harry Roque kaugnay sa nangyayaring oil spill na nagsimula noong lumubog ang MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro.
Aniya, dapat napaghandaan na noon pa ng PCG ang posibilidad ng pagkakaroon ng oil spill.
Kwestiyunable rin kung bakit napayagan na makapag-operate ang lumang oil tanker na walang certificate of public convenience lalo pa’t may weather warning.
Kaugnay nito, sinabi ng Department of Tourism na mahigit 60 tourism sites na ang apektado ng oil spill.