Kakayahan ng PNP, mas mapalalakas pa dahil sa bagong mga kagamitan

Kakayahan ng PNP, mas mapalalakas pa dahil sa bagong mga kagamitan

IPRINISENTA ngayong araw ng Philippine National Police (PNP) ang bagong kagamitan para sa dagdag pwersa at kapasidad sa mga operasyon nito sa bansa.

Hindi lang isa, kundi daan-daang bagong kagamitan ang iprinisenta ngayong araw ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos.

Ayon sa datos ng ahensiya,  halos dalawang libong iba’t ibang uri ng kagamitan ang binili ng PNP para sa mga nagpapatuloy at nakatakda pang mga operasyon nito sa bansa.

MGA KAGAMITAN NA BINILI NG PNP

High speed tactical watercraft: 10 units

Brand new utility truck: 34 units

Patrol jeep 4X2: 123 units

VHF low brand, handheld radio: 170 units

DMR handheld radio: 1,628 units

Nagkakahalaga ang naturang mga kagamitan ng kabuuang Php 576,667,540.00.

Ayon sa PNP, ang bagong kagamitan ay malaking tulong para mapaangat pa ang operational readiness ng organisasyon sa kampanya kontra kriminalidad, terorismo at droga.

Personal na iinspeksiyunin ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos ang mga bagong biling police patrol cars at mga armas para masiguro na magiging epektibo ito sa pagpapatupad nila ng safety at security operations.

Inaasahan din na magagamit ito sa kasalukuyang pagdaraos ng pambansang halalan sa bansa.

BASAHIN: Halos 1K wanted persons, naaresto ng mga pulis sa NCR sa Enero

Follow SMNI News on Twitter