DAPAT palakasin ang kakayahan ng bansa sa pagtugon sa kalamidad upang mabawasan ang mga epekto ng pagbabago ng klima.
Ito ang inihayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Carlito Galvez Jr.
Ani Galvez, palakasin ang disaster response effort ng bansa dahil sa climate change dahil ang mga lugar na hindi pa nakaranas ng pagbaha ay lumulubog na ngayon sa tubig.
Binanggit din ni Galvez bilang mga halimbawa ang malalaking bagyo na tumama sa bansa noong huling bahagi ng 2022 at ang shear line na nagbuhos ng ulan at bumaha sa marami sa mga rehiyon sa panahon ng Pasko.
Bukod sa pagpapalakas ng disaster response calamities nito, sinabi ni Galvez na kailangan ding palakasin ang civil at national defense capabilities ng bansa partikular na sa larangan ng cyber security.