Kakulangan ng power supply sa bansa, iimbestigahan ng Senado

Kakulangan ng power supply sa bansa, iimbestigahan ng Senado

PAIIMBESTIGAHAN ni Sen. Raffy Tulfo ang sanhi ng kakulangan ng power supply matapos idineklarang nasa Red at Yellow Alerts ang Luzon, Visayas, at Mindanao grid kamakailan.

Ang hearing para dito ay nakatakda sa Mayo 6, 2024.

Ayon sa mambabatas na siyang chairman ng Senate Committee on Energy, importante aniyang matukoy ang dahilan ng kakulangan ng supply maging ang sanhi ng outage sa mga power plant at mga unscheduled shutdowns.

Batay sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines, ang pagkakadeklara ng at Yellow Alerts ay nagiging sanhi ng pagtaas ng market price ng kuryente.

Para kay Sen. Tulfo, kinakailangang matiyak na hindi ang mga consumer ang magkakaroon ng problema tuwing tataas ang market price.

Ang Yellow Alert ay inilalabas kung ang operating margin ng contingency requirement ng transmission grid ay hindi na sapat.

Ang Red Alert ay inilalabas kung hindi na sapat ang power supply para matugunan ang consumer demand at ang regulating requirement ng transmission grid.

Follow SMNI NEWS on Twitter