Kakulangan ng suplay sa pagkain sa bansa, maaaring masolusyunan ng HAPAG sa Barangay Project ng DILG

Kakulangan ng suplay sa pagkain sa bansa, maaaring masolusyunan ng HAPAG sa Barangay Project ng DILG

KASUNOD ng paglulunsad ng HAPAG sa Barangay Project ng Department of the Interior and Local Government (DILG), hinimok nito ang lahat ng barangay sa bansa na magtayo ng sariling gulayan.

Na siyang pagkukunan ng suplay ng pagkain ng mga residente  lalo na sa oras ng kagipitan at pangangailangan.

Bahay kubo

Kahit munti

Isang kilalang linya ng awiting pambata na kumakatawan sa malago at malusog na pamumuhay ng bawat pamilyang Pilipino.

Gaya na lamang ng gulayan sa Quezon City, wala ka nang hahanapin pang iba.

Talaga namang hitik at siksik sa iba’t bang uri ng pagkain, gulay at prutas.

Hindi ito nalalayo sa bagong proyekto ng pamahalaan ngayon sa pangunguna ng DILG, ang HAPAG sa Barangay o Halinat Magtanim ng Prutas at Gulay.

Sa ilalim ng nasabing programa ay hinihikayat nito ang ng mga barangay sa bansa na humanap ng bakanteng lupa para pagtamnan ng iba’t ibang uri ng punongkahoy, gulay at prutas.

Ayon sa DILG, malaking tulong ito sa pang araw-araw na pangangailangan ng barangay at kalauna’y magsilbing hanapbuhay o pagkakakitaan ng mga residente nito.

Pero paglilinaw ng opisyal, kailangan ito ng maayos na koordinasyon sa lahat ng LGU sa bansa para matiyak na hindi masasayang ang pondo ng mga pagtatayuan ng naturang gulayan.

Hindi rin magiging sapilitan ang pagtatanim ng mga gulay lalo na sa mga highly urbanized area na limitado sa lupain.

Ang mahalaga aniya, ay masimulan sa barangay palang ang mga programang makatutulong sa pag-angat ng pamumuhay ng mga Pilipino at pagiging independent sa mga pinagkukunan ng pagkain at hanapbuhay.

Giit ng ahensiya, sa maliit na pondo, tinitiyak nito na maabot ng pamahalaan ang target ng kasalukuyang administrasyon na food security at sustainability nito sa buong bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter