SA panayam kay Ka Eric ngayong umaga ay sinabi nito na ang sumalantang Bagyong Karding sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay posibleng gawing propaganda umano ng CPP-NPA-NDF.
Bilang isang national cadre mula sa Partido Komunista ng Pilipinas ay ibinahagi nito ang iilan sa mga ginagawa ng CPP-NPA-NDF sa tuwing mayroong kalamidad.
Ayon kay Ka Eric sa oras na matapos ang kalamidad ay pumupunta sa mga baryo ang mga miyembro ng CPP-NPA-NDF para sisihin ang gobyerno sa kawalan ng relief goods at iba pang basic needs ang mga apektado ng kalamidad.
Dagdag pa ni Ka Eric na ganitong klase ng mga propaganda ay ang standard platform ng CPP-NPA-NDF sa tuwing mayroong kalamidad.