PANALO si Pinoy boxer Mark Magsayo sa kaniyang naging laban kontra sa Ecuadorian na si Bryan Mercado nitong Disyembre 15, 2024 Manila Time.
Sa second round lang ng kanilang boxing match nang ma-TKO o ma-technical knockout ni Magsayo ang Ecuadorian na kalaban.
Dahil dito, mandatoryong makakalaban ng Pinoy boxer si World Boxing Champion (WBC) Super Featherweight Champion O’Shaquie Foster.
Sa panig ng Ecuadorian boxer, ito na ang ikatlong talo niya ngayong taong 2024.