Kalahati ng pasahero ng Guangzhou-Phnom Penh flight, hindi nakasakay dahil sa istriktong inspeksyon

HINDI nakasakay ang kalahating pasahero ng Guangzhou-Phnom Penh flight dahil sa istriktong inspeksyon sa paliparan sa China.

Aabot sa kalahati ng pasahero ng Angkor Airlines Flight K6669 mula Guangzhou-Phnom Penh noong Nobyembre 25 ang hindi nakasakay sa eroplano kasunod ng istrikstong border checks.

Ayon sa isang interview, ang mga pasahero ay sumailalim sa istriksting eksaminasyon bago pa makasakay kung saan ang mga katanungan kabilang na ang dahilan ng kanilang pagbisita sa Cambodia at we chat conversation history ay binusisi.

Nang sumakay umano ito ng eroplano mula Wuhan Airport noong Nobyembre 23, regular na inspeksyon lamang ang isinagawa pero nang sumakay na ito ng eroplano sa Guangzhou Airport, naging istriktong inspeksyon na ang ito.

Ayon pa sa isang pasahero, kung wala namang ginagawang masama, hindi nanonood ng pornograpiya, hindi nagsusugal at hindi nauugnay sa droga sa Cambodia ay wala kang dapat ikatakot.

Matatandaan na umaasa ang Cambodia na tataas na ang bilang ng turista sa bansa kasunod ng anunsyo ni Prime Minister Hun Sen na hindi na kinakailangang sumailalim sa quarantine kung papasok sa Cambodia.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.