Kalahating bilang ng mga guerilla front committees sa North Luzon, nabuwag na

Kalahating bilang ng mga guerilla front committees sa North Luzon, nabuwag na

BINATI ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of staff General Cirilito Sobejana ang matagumpay na kampanya ng North Luzon Command (NOLCOM) kontra terorismo at insurhensya matapos mabawasan ng kalahati ang bilang ng mga guerilla sa North at Central Luzon.

Sa kanyang pagbisita sa headquarters command ng NOLCOM sa Camp Servillano S. Aquino sa Tarlac City, aniya ang mga nagawa ng NOLCOM ay malinaw na nagpapakita ng kanilang dedikasyon at pangako na patuloy na isulong ang kanilang mga pangunahing tungkulin sa kabila ng krisis sa kalusugan na dala ng COVID-19 pandemic.

Dagdag pa ng heneral na ang tiyaga at kasipagan ang nagdala sa kanila upang maging matagumpay ang mga operasyon na kanilang isinasagawa.

“The NOLCOM’s accomplishments clearly manifest our troops’ dedication and commitment to continuously pursue their core functions notwithstanding the prevailing health crisis brought by the COVID-19 pandemic. Their perseverance and hard work are what made all these successful operations possible,” pahayag ni Sobejana.

Ayon sa heneral na mananatiling mahalaga ang misyon at layunin nito upang harapin ang panganib na dulot ng mga terorismo sa rehiyon ng Ilocos at Cagayan.

Sa pangunguna ni NOLCOM Commander Lieutenant General Arnulfo Marcelo Burgos Jr. ay naging epektibo at matagumpay ang programang  KKK o Kapayapaan, Kaunlaran, Kasaganaan upang mapalago pa ang internal security campaign laban sa mga communist terrorist groups sa rehiyon.

Matatandaan na nitong nakaraang taon hanggang Enero ay nakapagtala ang NOLCOM ng 396 na mga sumuko na mga guerilla kung saan 96 mga armas ang kanilang isinuko na aabot sa halagang P4.8 million.

Mula sa mga sumuko, 222 sa kanila ay nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan na aabot sa P15.9 million.

Ang mga natitira naman ay patuloy pang pinoproseso ang kanilang mga pinansyal na tulong.

Sa kabila ng matagumpay na kampanya ay iginiit ni Sobejana na hindi pa dito nagtatapos ang laban sa terorismo at maraming kailangang tugunan sa problema sa insurhensya.

Hinimok din ng opisyal na ipagpatuloy ang ginagawang maritime patrol at laging makipagkoordinasyon  sa mga ahensya at tumulong sa mga nangangailangan.

“We must continually patrol our maritime territories, closely coordinate with other government agencies, and offer support to the people who are affected. I urge you to continue excellently performing your mandate,” ani Sobejana.

Dahil ayon sa heneral, napakalaking tungkulin ang ginagampanan ng NOLCOM para protektahan at maipatupad ang mandato ng AFP.

Buo naman ang kumpyansa ni Sobejana na ang lahat ng ginagawa ng bawat isa sa paglaban ang mga banta, pagbabantay sa mga teritoryo at masiguro ang kapakanan ng mamamayan ay magdudulot ng tunay na kapayapaan.

 “Our troops have my full confidence that one day, the fruits of their labor in combating threat groups, securing territorial defense, and safeguarding the welfare of the people will reap lasting peace in the areas of Northern and Central Luzon. This peace will consequently result in fostering a conducive environment for sustainable development in the region, which I am certain is our shared aspiration with the local communities,”dagdag ni Sobejana.

(BASAHIN: AFP at PNP, lumagda ng kasunduan upang durugin ang NPA sa Northern Luzon)

SMNI NEWS