Kalibo Municipal Building, Isinailalim sa Lockdown dahil sa COVID-19

Kalibo Municipal Building, Isinailalim sa Lockdown dahil COVID-19. Matapos magpositibo sa COVID-19 ang pitong empleyado ng Mayor’s Office, isinailalim sa lockdown ang munisipyo ng kalibo.

Ang Kalibo Municipal Building magkakaroon ng Skeletal Workforce at Work from Home ang munisipyo simula lunes Marso 8, 2021.

Ang Mahahalagang Serbisyo ay bukas pa rin; ang mga Frontliner, para sa serbisyo ng mga tao sa Bayan ng Kalibo. Pinapayuhan muna ang mga empleyado sa mga sumusunod;

• Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) Employees
• Municipal Health Office Employees
• Municipal Treasurer’s Office Employees
• Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office Staff
• Kalibo Public Market Employee
• Abattoir/Slaughter Personeel
• Street Sweepers
• Garbage Collectors
• Comfortroom Attendants
• Ligtas COVID-19 Center Personnel/Staff
• Field Collectors
• Other Essential Services Personnel

Ayon kay Mayor Emmerson Lachica, ito ang naging desisyon na  ng municipal iatf upang hindi na kumalat ang virus sa tanggapan.

Sa ngayon ang kalibo ang nangunguna sa may mataas na kaso ng covid-19 sa buong probinsya ng aklan.

Sinabi ni Vice Mayor Cynthia Dela Cruz, mas magiging strikto ang munisipyo sa pagpapatupad ng mga health protocol gaya ng bukod sa pagsusuot ng face mask at faceshield, pati na rin ang paglislista ng pangalan.

Umaasa ang lokal na pamahalaan ng kalibo na sa pamamagitan ng pagsasailalim ng lockdown maiiwasan ang pagkalat ng virus sa buong munisipyo. 

SMNI NEWS