Kalidad ng buhay sa Los Angeles, bagsak sa nakalipas na 7 taon ayon sa bagong pag-aaral

Kalidad ng buhay sa Los Angeles, bagsak sa nakalipas na 7 taon ayon sa bagong pag-aaral

SA isang pag-aaral ng University of California sa Los Angeles, lumabas na nasa pinakamababang antas ang kalidad ng buhay ng mga residente sa LA County, at tinatayang pinakamasaklap na antas sa loob ng pitong taon.

Kawalan ng tahanan, mataas na presyo ng krudo at lumalalang krimen, ito ang dahilan kaya naman bagsak ang over-all satisfaction ng buhay sa Los Angeles, ayon sa huling pag-aaral.

Sa pagtaas ng inflation rate, mataas na presyo ng gas, tumataas na rate ng krimen, at tumataas na bilang ng walang matitirahan, marami sa mga Amerikano ang nagsasabi na ang halaga ng pamumuhay ay nakapanlulumo.

‘’I do agree that it kind of makes things a little bit harder because obviously more people have to invest their money and making sure that they’re saving for gas so that they can fill up their tank,’’ ayon kay Kacey, California University Student.

‘’That people have to commute longer, suffer more and then like they don’t want to go to school is more because they have to pay more money for the gas,’’ saad naman ni Julie, California University Student.

‘’I’m barely trying to pay for gas and stuff. So yeah, it sucks. And food right now is really expensive,’’ paliwanag naman ni Aaron, California University Student.

Sa isang pinakahuling survey na isinagawa ng University of California – Los Angeles na “Quality of Life Index,” inihayag nito na pumalo sa pinakamababang antas ng kabuuang kasiyahan o over-all satisfaction ang pamumuhay sa syudad sa nagdaang pitong taon. Sa grado mula sampu hanggang isang-daan, ang taon na ito ay maihahalintulad na hindi mahusay kumpara sa mga nakaraang taon. Bumaba ang taong ito sa kabuuang rating na 53.

‘’No one can afford a house like no one can even pay rent or no one it’s hard to be poor and try to do everything that we’re trying to do,’’ ayon naman kay Jorge, California University Student.

Ipinakita ng Quality of Life Index na ang pinakamalaking pagbaba sa taong ito ay may kinalaman sa cost-of-living, edukasyon at kaligtasan ng publiko.

‘’The pandemic has definitely put like a big strain on people mentally. I myself, right?’’ saad ni Joseph.

Bumaba ang rate para sa halaga ng pamumuhay mula 45 noong nakaraang taon hanggang 39 ngayong taon, habang ang public safety rating ay bumaba mula 60 hanggang 56. Bumaba ang education score mula 48 hanggang 46.

Mula sa pagtaas ng mga presyo hanggang sa kaganapan sa politika, mayroong indikasyon kung bakit bumagsak ang grado ng pamumuhay sa Los Angeles.

Gayunpaman, umaasa ang mga residente na makabawi ang lungsod sa hinaharap.

Follow SMNI NEWS in Twitter