Kaligtasan ni Pangulong Duterte sa kanyang Ika-5 SONA, tiniyak ng AFP

Kaligtasan ni Pangulong Duterte sa kanyang Ika-5 SONA, tiniyak ng AFP

Low cost charcoal

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang namomonitor ang na anumang banta sa Ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 27.

 

Ito ang pahayag ni AFP-Joint Task Force NCR Commander, BGen. Alex Luna bago pa man mag-umpisa ang dialogue sa pagitan ng mga otoridad at community leaders bilang parte ng mga paghahanda para sa SONA ng Pangulong Duterte.

 

Kaugnay nito, sinabi naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director MGen. Debold Sinas mas magiging mahigpit ang seguridad para matiyak na ang mga otorisado lamang na dadalo ang makakapasok sa okasyon.

 

Papayagan din ang mga rally pero kailangan nilang magsuot ng face mask at sumunod sa quarantine protocols.

 

Dagdag pa ni Sinas, mas lalo umano nilang paiigtingin ang seguridad dahil may ibang tao na kapag nagsuot ng mask ay mahirap nang kilalanin.

 

SMNI NEWS

BONUS OFFER

Leave a Reply

Your email address will not be published.