Kalihim ng DOTr, humingi ng paumanhin matapos maaberya ang ilang flights sa unang araw ng Enero

Kalihim ng DOTr, humingi ng paumanhin matapos maaberya ang ilang flights sa unang araw ng Enero

HUMINGI ng paumanhin sa mga apektadong pasahero si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.

Ito’y matapos isuspinde ang mga operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at maapektuhan ang ilang flights patungo at mula sa mga paliparan ng NAIA, Cebu at Clark dahil sa technical issues sa Air Traffic Management Center sa NAIA.

Inatasan naman ng DOTr ang mga airline company na magbigay ng libreng pagkain, inumin, transportation, lodging and accommodation sa mga apektadong pasahero.

Namahagi naman ang CAAP at MIAA ng Malasakit Kits at food packs sa mga naistranded na pasahero sa NAIA.

Inatasan din ng DOTr ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magdeploy ng shuttle buses para dalhin and mga apektadong pasahero sa Clark International Airport.

Follow SMNI NEWS in Twitter