Kalimudan Festival ng Sultan Kudarat, opisyal nang nagbukas

Kalimudan Festival ng Sultan Kudarat, opisyal nang nagbukas

UMARANGKADA ang selebrasyon sa pasiklaban ng mga float at parada sa kalye sa labas ng Capitol Complex sa opening day ng Kalimudan Festival 2023 sa Sultan Kudarat.

Dito nagpagandahan ang 11 munisipalidad at isang siyudad na sakop ng probinsiya.

Bawat float ay kumakatawan sa fiesta celebration ng bawat LGU.

Float number 1 ang President Quirino LGU sa kanilang green and yellow parade.

Float number 2 ang LGU ng Esperanza.

Float number 3 naman ang Kalamansig LGU, na sinundan ng Isulan at Bagumbayan bilang floats 4 and 5.

Ang Sen. Ninoy Aquino LGU ang float number 6, habang float number 7 and 8 ang Palimbang at Columbio.

Pang-9 sa hanay ng mga float ang Lutayan, habang pang-10 ang Lebak LGU.

Huli naman ang nag-iisang siyudad ng Sultan Kudarat ang Tacurong City.

Lahat ng floats ay magpapasiklaban sa isang grand performance at mag-uuwi ng papremyo.

Ngayong taon ang silver celebration ng Kalimudan Festival at golden anniversary ng pagkatatatag ng probinsiya mula Nobyembre 22, 1973.

Follow SMNI NEWS on Twitter