NGAYONG araw ay ginanap ang Kalinga ng Maynila sa De Pinedo St., San Andres, Manila kasama ang mga Brgy. 796, 797, at 798.
Ito’y nagsimula kaninang 8 am.
Kabilang sa Kalinga ng Maynila ang COVID-19 vaccination, medical consultation, basic medicines, deworming, rabies vaccination, civil registry, tricycle/parking registration, PWD, solo parent, senior citizen ID, clearing, flushing operations, water, electricity, building permit inquiries, notary services, police clearance, job vacancies, at iba pa.
Ang pagbabalik muli ng pagbaba ng mga serbisyo ng pamahalaan papunta sa komunidad.
Ilang mga tanggapan ng Manila City Hall ang nakibahagi tulad ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), Department of Public Services-Manila, Department of Engineering and Public Works-Manila, Manila Police District, at iba pang departamento ng Manila LGUs.