NAPAKAGANDANG balita sa mga taga-Manelenio dahil may nakalaan ang Ka-PESO na humigit-kumulang sa 2,500 job vacancies para sa high school graduates, college level, college, at tech/voc graduates.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Mayor Dra. Honey Lacuna sa pamamagitan ng Public Employment Service Office – City of Manila ay katuwang ang Department of Labor and Employment – National Capital Region at DOLE NCR Manila Field Office ay malugod kayong iniimbitahan na dumalo sa “Kalinga sa Maynila PESO Job Fair” na gaganapin ngayon araw ng Miyerkules, Mayo 29, 2024, ganap na 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa P. Guevarra St., Sta. Cruz, Manila, katapat ng P. Gomez Elementary School.
May paalala lang ang Ka PESO, na magsuot ng casual attire; magdala ng 10 kopya ng resume; magdala ng sariling ballpen; at sumunod sa mga pinaiiral na public health protocols.