‘Kalinisan, Tatag ng Bayan’ Cleanliness Drive sa Oton, Iloilo, tugon vs basura at dengue

‘Kalinisan, Tatag ng Bayan’ Cleanliness Drive sa Oton, Iloilo, tugon vs basura at dengue

BILANG tugon sa patuloy na problema ng basura at kaso ng dengue sa Brgy. Trapiche, Oton, Iloilo – nagpapatuloy ngayon ang isinasagawang Cleanliness Drive na nilahukan din ng mga residente sa lugar.

Ang programang ‘Kalinisan, Tatag ng Bayan’ ng Sonshine Philippines Movement (SPM) na inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy ay layuning pangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng paglilinis sa mga komunidad at iba pang lugar.

Ang Oton ay isang kilalang destinasyon sa Iloilo para sa mga nais maligo sa dagat.

Subalit, ang mga basura na iniwan ng mga dumadaan sa lugar ay nagdulot ng pagdami ng kalat sa komunidad.

Dahil dito, ang kaso ng dengue sa lugar ay tumaas mula Hunyo hanggang Oktubre ng taong kasalukuyan – na nagdulot ng pangangailangan para sa agarang paglilinis ng mga pampublikong lugar.

Ayon sa mga residente ng Barangay Trapiche, bagamat may mga naglilinis sa kanilang lugar ay hindi ito sapat upang malutas ang problema.

Kaya’t malaki ang pasasalamat ng mga ito sa Sonshine Philippines Movement na nagpadala ng mga volunteers upang tumulong sa paglinis ng kanilang lugar.

Sa mga oras na ito, patuloy ang pagtutulungan ng mahigit isang daang volunteers, katuwang ang mga residente, ilang kawani ng Municipal Environment and Natural Resources (MENRO) at barangay official sa paglilinis kung saan aabot na tatlumpung sako ng mga basura ang kanilang nakolekta at inaasahang madaragdagan pa hanggang mamaya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter