“Kalinisan: Tatag ng Bayan” ni Pastor ACQ, isinagawa sa Kapalong, Davao del Norte

“Kalinisan: Tatag ng Bayan” ni Pastor ACQ, isinagawa sa Kapalong, Davao del Norte

BAKAS sa mukha ng mga boluntaryo ang excitement para linisin ang lugar ng Brgy. Maniki, sa Munisipalidad ng Kapalong, probinsiya ng Davao Del Norte dahil sa ganitong paraan ay makakatulong sila sa Inang Kalikasan.

Ang lugar ay tabing kalsada, bahagi ng kahabaan nito ang isang kanal na konektado sa Libuganon River.

Kung iyong titingnan, ang tabing kanal na ito ay tambak ng mga basura tulad ng mga bote, plastic, balat ng sitsirya at mayroon pang sako-sako ng pinag-ipunang basura.

Ayon kay Mayor Theresa Royo-Timbol, pinapaigting nila ang solid waste management sa lugar gaya ng pagpapatupad ng no single-use plastic at panghihikayat sa mga tao na gumamit ng eco bag at bayong tuwing mamimili.

Itinuturo din nila sa mga paaralan, lalo na sa kanilang daycare center ang tamang segregation ng mga basura.

Ngunit sa kabila nito, hindi maiwasan at hindi makontrol ng local government unit ang kawalan ng disiplina ng ilang mamamayan sa pagtatapon ng basura kung saan-saan.

Kaya naman, naniniwala sila na hindi kakayanin ng lokal na pamahalaan ang pagpapanatili ng kalinisan ng kanilang lugar kung sila lamang ang kikilos.

Nangangailangan nga anila ito ng bayanihan ng lokal na komunidad at maging lahat ng kasapi ng pamayanan.

Kaya naman nakiisa rin sa naturang aktibidad, ang MENRO ng Kapalong, mga pribadong grupo at indibidwal, na malaking tulong ayon sa mayor ng Kapalong tungo sa mas ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran.

Dahil sa inisyatibong ito, nagpaabot ng pasasalamat ang municipal mayor ng lugar kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

“To Pastor, maraming salamat po sa mga activities ninyo. You don’t only deal with the spirituality ng mga members niyo but naging partner kayo sa government. I know you are also into anti-insurgency. Partner po tayo diyan kasi gusto po namin talaga sa Kapalong din na hindi na sana mabalik iyong problem na iyan, and you have a very big role po doon. And also, with your One Tree, One Nation, thank you so much po and itong Kalinisan sa Katatagan, isang magandang programang din po. We are praying for you. Nagmo-monitor po kami kung anong nangyayari. We are really praying for you. And hopefully, you will win po this coming election, maging senador po kayo. Mahal po kayo ng mga taga-Kapalong. God bless po,” wika ni Mayor Ma. Theresa Royo-Timbol, Kapalong, Davao del Norte.

Ilan sa mga boluntaryo ay malaki rin ang kanilang pasasalamat kay Pastor Apollo sa pangunguna sa ganitong aktibidad na malaking tulong sa pagpapanumbalik sa ganda ng Inang Kalikasan at pagbibigay ng mas ligtas na komunidad na malayo sa sakit na maaaring dalhin ng mga basura kung mapapabayaan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble