Kaliwa Dam inaasahang makukumpleto bago matapos ang Marcos Jr. Admin

Kaliwa Dam inaasahang makukumpleto bago matapos ang Marcos Jr. Admin

INAASAHANG makukumpleto ang konstruksiyon ng Kaliwa Dam bago pa matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), kasalukuyang nasa 30% na ito sa kabila ng nararanasang delays sa nakalipas na mga taon.

Sakaling makumpleto na ay inaasahang magiging solusyon na ito sa tumataas na demand ng tubig sa Metro Manila, Rizal, at Quezon.

Tinatayang nasa 17.46-M katao o nasa 3.49-M na kabahayan ang makakabenepisyo sa Kaliwa Dam.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter