NAKUMPLETO na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang maintenance work sa national road na nag-uugnay sa mga lungsod ng Pagadian at Zamboanga City.
Ito ay upang mapabuti at husay ang transport connectivity sa Zamboanga Peninsula.
Ayon kay DPWH Region 9 Director Cayamombao Dia, ang preventive maintenance ng 600-meter portion ng Pagadian City-Zamboanga City Road ay isinagawa upang matugunan ang wear-and-tear sa road pavement.
Kabilang sa proyekto ang asphalt overlay at paglalagay ng road safety marker at thermoplastic pavement markings upang mapabuti ang road visibility.
Ipinatupad ng DPWH Zamboanga City District Engineering Office ang P10-M Preventive Maintenance Project sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act (GAA).