Kalusugan ng taumbayan, dapat iprayoridad ni Pang. Duterte —Enrile

Kalusugan ng taumbayan, dapat iprayoridad ni Pang. Duterte —Enrile

 

WoodProfit

WALANG magawa ayon kay former Senate President Juan Ponce Enrile si Pangulong Rodrigo Duterte kundi harapin ang nananalasang pandemya sa bansa.

 

Sa naging panayam ng SMNI News kay Enrile, dapat aniya iprayoridad ng pangulo ang kalusugan ng taumbayan.

 

gamebank

Dahil punto ni Enrile, maraming sektor ang maapektuhan kung hindi masosolusyunan ang krisis sa kalusugan sa bansa.

 

“Masira ang kalusugan ng bansa natin, masisira ang estado, masisira ang gobyerno. Walang magta-trabaho. Walang kikitain ang gobyerno. Walang tax ang consumer, ang consumptions. Walang ekonomiya,” pahayag ni Enrile.

 

Punto pa ni Enrile, isa talaga ito sa pinakamahirap na problema ngayon hindi lang sa bansa maging sa buong mundo.

 

“Lahat ng pinakasikat, mayaman, makapangyarihan na mga bansa sa buong mundo ay hindi kaya. Amerika na, napakayaman na bansa, nasa kanila na ang lahat ng technology; China, Russia, India, Argentina, Brazil – lahat iyan pinakasikat na bansa ay talagang tinamaan ng katakot-takot na mas masahol pa sa ating bansa ang nangyari sa kanila,” dagdag pa ni Enrile.

 

Isa ang roadmap to recovery ng bansa mula sa COVID-19 ang inaasahang tatalakayin ni Pangulong Duterte sa kaniyang Ika-5 State of the Nation Address (SONA) mamayang hapon.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.