Kalusugan, pagkain, trabaho, at pag-aaral, ilan sa mga pinakaprayoridad ng mga Pinoy—OCTA Research

Kalusugan, pagkain, trabaho, at pag-aaral, ilan sa mga pinakaprayoridad ng mga Pinoy—OCTA Research

PAGIGING malusog, may sapat na makakain, at magkaroon ng maayos na trabaho ang pinaka-inaalala ng karamihan sa mga Pilipino ayon sa OCTA Research.

Lumalabas sa pinakahuling survey ng OCTA Research na hindi usaping politika tulad ng Charter Change (Cha-Cha) ang pangunahing iniisip ng mga tao.

Sa kanilang survey noong Disyembre 10-14, 2023, sinasabi ng resulta na ang pagiging malusog at pag-iwas sa sakit ang pangunahing concern ng karamihan sa mga Pilipino. Sumunod ay ang may maihahain sa hapag-kainan.

Karamihan din sa ating mga kababayan ay mas prayoridad ang pagkakaroon ng maayos na trabaho at pagpapaaral ng mga anak.

Samantala, lumabas din sa survey ng OCTA Research na ang pagkakaroon ng sariling lote at bahay ay isa rin sa pinaka-inaalala ng karamihang Pilipino.

Kabilang naman sa pinakaimportanteng isyu na pinapaaksyunan ng mga Pinoy sa administrasyong Marcos ay ang pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, access sa mga abot-kayang pagkain tulad ng bigas, at paglikha ng mas maraming trabaho.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble