KASABAY ng paggunita ng National Museums and Gallery’s Month para sa buwan ng Oktubre, itinampok ang iba’t ibang obra o likha ng isang kilalang navy reserve ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at artist na si Dr. Liz Villaseñor.
Sa ilalim ng kaniyang malikhaing kaisipan, dala-dala niya ang mensahe ng katatagan, tagumpay at kalayaan sa anumang hamon sa buhay mula sa mga gawa nito.
Aniya bilang isang Pilipino, walang makapipigil sa galing at talino ng mga ito saan man sa mundo at sa pagtatapos ng kaniyang ika-9 na solo art exhibit ngayong taon, tiniyak nito na magiging makasaysayan ang aktibidad hindi lang pabor para sa mga sumusuporta ng sining at kultura sa bansa kundi maging sa hanay ng AFP.
Nagsimula ang Philippine Air Force (PAF) bilang Philippine Army Air Corps (PAAC).
Isang hiwalay na sangay ng AFP noong Hulyo 1, 1947 sa ilalim ng Executive Order No. 94, s. 1947 sa ilalim ni President Manuel Roxas.
At sa paglipas ng panahon, unti-unti itong nagkaroon ng mahalagang parte ng kasaysayan ng Pilipinas dahil sa ambag nito sa usapin ng seguridad at depensa ng ating bansa.
Mula sa mga maliliit na modelo ng eroplano, hindi lang sila matatanaw kundi maaaring lapitan, hawakan at sakyan ang mga piling replica ng mga mga ito na ginamit ng mga sundalo sa iba’t ibang misyon sa Pilipinas sa mahigit na isang siglo na ang nakararaan.
Inaasahang muli itong bubuksan sa publiko, mga mag-aaral, mga empleyado para sa ilang educational tour at maging daan sa pagkilala sa mga sakripisyo, kabayanihan at kagalingan ng mga sundalong Pinoy sa tinatamasa nating kalayaan mula noon hanggang sa kasalukuyan.
Samantala, para naman sa mga malalapit na kaibigan ni Dr. Liz mula sa pamahalaan at pribadong sektor, humanga ito sa matatag na personalidad at walang inuurungang hamon sa buhay.