IGINIIT ni House Speaker Martin Romualdez na bibilisan nila sa Kamara ang pagpasa sa mga panukalang batas na binanggit ni President Bongbong Marcos sa kaniyang SONA.
Ayon kay Romualdez, 8 sa 19 na legislative priority measures ng pangulo ay pasok ‘for swift approval’ batay sa Rule 10, Section 48 ng House of Representatives.
Sa ilalim nito, mapapabilis ang pag-apruba sa mga nabanggit na panukala dahil lusot na ang mga ito sa third and final reading sa nagdaang mga kongreso.
Ang mga ito ay ang Valuation Reform Bill, PIFITA, E-Governance Act, Internet Transaction Act, GUIDE, Medical Reserve Corps, National Disease Prevention Management Authority, at ang Virology Institute of the Philippines bill.
At sa walong panukalang batas na tiyak na ang agarang pagpasa, lima dito ay main author si Speaker Romualdez.