NAGTUNGO ang liderato ng Kamara sa Baguio City para bigyang ayuda ang mga biktima ng super typhoon Egay doon.
Sa kabila ng masamang panahon ay bumiyahe pa Baguio sila Speaker Martin Romualdez bilang tugon sa bilin ni Pangulong Bongbong Marcos na tiyakin na makukuha ang tulong sa mga nasalanta.
Umabot naman sa P218.85 Million ang nalikom na pondo ng Office of the Speaker at nina Tingog Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre sa fund drive.
Personal namang tinanggap nina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Baguio City Rep. Mark Go, at Benguet Rep. Eric Yap ang cash assistance at relief goods ng national government.
‘’Maliit na kontribusyon ko po ito sa hangarin ng gobyerno na mabigyan ang mabilis na ayuda ang mga naapektuhan ng kalamidad,’’ sabi ni Speaker Romualdez.
Sa 218.85 Million na nalikom, P43.85 Million ay personal calamity fund ni Romualdez mula sa kontribusyon ng kanyang mga kaibigan.
Habang ang nalalabing P175 Million ay manggagaling sa AICS program ng DSWD.