Kamara, bumuo ng Ad Hoc committee na tututok sa COVID-19 pandemic

BUMUO ang mababang kapulungan ng Kongreso ng Ad Hoc Committee na tututok lamang sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic response ng pamahalaan.

Pamumunuan ni House Speaker Alan Peter Cayetano bilang chairperson ng binuong Defeat COVID Ad Hoc Committee.

Sinabi ni House Majority Leader Martin Romualdez na tututok ang komite sa lahat ng usapin patungkol sa hakbang ng pamahalaan kontra COVID-19, kasama na ang mga gagawin para soluyunan ang epekto nito sa ekonomiya at sa labor force.

Kabilang sa mga miyembro ng komite ang House Committees on Health, Economic Affairs, Tourism, Trade and Industry, Labor and Employment, public information, banks, and financial intermediaries, appropriations, ways and means, local government, at Metro Manila Development.

Magiging kasapi din ng komite ang mga kinatawan mula sa mga “most vulnerable” na lugar.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.