Kamara, bumuo ng TWG para pag-aralan ang Department of Water

Kamara, bumuo ng TWG para pag-aralan ang Department of Water

BUMUO ng technical working group (TWG) ang Kamara para pag-aralan ang panukalang batas para likhain ang Department of Water.

Ito ang naging resulta sa pagdinig ng House Committees on Government Reorganization at Public Works.

Kabilang sa isasapinal ng TWG sa kung mananatili ba sa DPWH ang flood control functions ng pamahalaan o kung ililipat ba sa itatayong departamento.

Pati na kung sino ang hahawak sa trabaho ng National Irrigation Administration sa patubig at kung papaano bubuuin ang waste-water sewage ng bansa.

Naatasan naman si House Ways Committee Chairman Joey Salceda na pangunahan ang TWG.

Follow SMNI NEWS in Twitter