Kamara, inaprubahan na ang Bayanihan 2 sa ikatlo at huling pagbasa

Kamara, inaprubahan na ang Bayanihan 2 sa ikatlo at huling pagbasa

SA botong 242 affirmative, 6 negative, 0 abstention ay lusot na sa Kamara ang House Bill 6953 o Bayanihan to Recover As One Act na mas kilala rin bilang Bayanihan 2.

Nagkakahalaga ang ikalawang COVID-19 stimulus package ng P162 billion na magtatagal hanggang December 31, 2020.

Nakasaad naman sa Section 9 ng Bayanihan 2 ang pag-waive sa pagdaan sa Phase IV trial ng gamot at bakuna para sa COVID-19 batay sa nakasaad sa Universal Healthcare Law.

[tie_slideshow]

[tie_slide]  [/tie_slide]

[tie_slide] [/tie_slide]

[tie_slide] [/tie_slide]

[/tie_slideshow]

Tulad sa bersyon ng Senado ay isinama na rin ng Kamara sa ipinasang Bayanihan 2 ang Financial Institutions Strategy Transfer (FIST) Bill at Government Financial Institutions Unified Incentives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) BILL.

Althea Philippines

Ilan naman sa mga nakapalaoob sa Bayanihan 2 ay ang P10 billion subsidy para sa National Health Insurance Program ng PhilHealth na gagamitin para sa expanded COVID-19 testing; P10.5 billion para sa programa ng DOH na employment ng Emergency Human Resource for Health kabilang na ang pondo para sa P10,000 risk allowance ng mga private at public healthcare workers kasama na ang iba pang benepisyo at insurance; P3 billion para sa personal protective equipment set at P4 billion na pondo para sa pagtatayo ng mga temporary medical isolation at quarantine facilities, field hospitals at dormitories para sa mga frontliners.

Pinaglaanan naman ng P20 billion sa cash-for-work programs para sa mga displaced workers at P51 billion para sa pautang ng mga government financial institutions sa mga apektadong micro, small and medium enterprises (MSMEs); P10 billion naman ang para sa ayuda ng DOTr sa mga apektado sa transportation sector; at P100 million para sa training at subsidies ng mga tourist guides.

Kabilang din sa Bayanihan 2 ang P600 million para sa subsidiya at allowances sa mga qualified students sa public at private tertiary education institutions; P300 million para sa mga apektadong teaching at non-teaching personnel; P1 billion para sa karagdagang schoolarship program ng TESDA at P180 million na allowance para sa mga national athletes at coaches.

Pinagkalooban din ng P12 billion na pondo para sa mga programa ng DSWD at P820 million para sa repatriation program at iba pang tulong para sa overseas Filipino sa ilalim ng DFA.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.