INIHAIN ni Isabela 6th District Rep. Inno Dy ang House Bill (HB) 8822 noong Agosto 9 na kayang magbigay ng ‘compassionate leave’ sa mga empleyado na nakapagbigay ng kanilang serbisyo ng mahigit anim na buwan.
Sa ilalim ng panukala, kinilala nito ang matibay na ugnayang pampamilya o family ties ng mga Pilipino kaya sa pamamagitan ng pagbibigay ng ‘compassionate leave’ ay mapigilan ang anumang problema ng mga empleyado na nahaharap sa krisis ang pamilya.
Dahil dito, maaaring magkaroon ng leave ang isang manggagawa para dumalo sa mga usapin tulad ng sakit o kamatayan ng isang immediate family member o kamag-anak (within the third degree of consanguinity or affinity).