Kamara, isusulong na dagdagan ang recruitment ng mga babae sa PNP

Kamara, isusulong na dagdagan ang recruitment ng mga babae sa PNP

NINANAIS ng House Committee on Public Order and Safety (HCPOS) na madagdagan ang mga babaeng recruit sa Philippine National Police (PNP).

Si Bulacan Rep. Salvador Pleyto ang mangunguna sa binuong technical working group para mai-consolidate ang House Bill (HB) No. 1005, 1779, 5708, at 5740 hinggil dito.

Sa kasalukuyan ay napag-alaman na hanggang 10% lang ang itinakdang annual basis quota para sa recruitment ng mga babae.

Ang inirarason sa naturang quota ay ang pagbubuntis ng mga kababaihan kaya hindi tinataasan ang recruitment.

Suportado naman ni Philippine Commission on Women (PCW) Senior Gender and Development (GAD) Specialist Aurora San Juan sa panukalang ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter