Kamara, may P5-M donasyon sa mga nasunugan sa Navotas

Kamara, may P5-M donasyon sa mga nasunugan sa Navotas

NAG-ambagan ang mga miyembro ng Kamara para sa mga nasunugan sa Navotas City kamakailan.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, P5 million na cash ang inisyal na tulong ng Mababang Kapulungan mula sa mga miyembro nito.

Bukod dito, may in-kind donations din na ipapaabot ang Kamara tulad ng bigas at canned para sa mga nasunugan na tatanggapin ni Navotas Rep. Toby Tiangco.

Umabot naman sa 5 ang nasawi sa naganap na sunog sa isang residential area sa Barangay Bagumbayan North ng siyudad.

Sa ngayon, nananatili sa kalsada bitbit ang mga naisalbang gamit ang mga nasunugang residente habang nagtungo na ang iba sa kalapit na basketball court habang patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog.

‘’We condole with those families who have lost their loved ones and for those many who have lost their homes no,’’ ani Romualdez.

Follow SMNI NEWS in Twitter