Kamara, mukhang nilapitan ang PIRMA para sa PI—Sen. Dela Rosa

Kamara, mukhang nilapitan ang PIRMA para sa PI—Sen. Dela Rosa

MISTULANG nilapitan ng Kamara ang People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA) para tulungan sila sa signature campaign tungo sa pagkakaroon ng Charter Change.

Taliwas ito sa sinabi ni PIRMA Lead Convenor Noel Oñate na sila ang lumapit kay House Speaker Martin Romualdez upang kumuha ng 3% na lagda bawat congressional district na papabor sa pagkakaroon ng pagbabago sa 1987 Constitution sa pamamagitan ng People’s Initiative (PI).

Ito ang naging pahayag ni Sen. Bato dela Rosa lalo na at paiba-iba ang mga pinagsasabi ng legal counsel ni Oñate na si Alex Avisado at ang petitioner na si Anthony Abad.

Sa naging hearing pa sa Senado hinggil sa isyu nitong Pebrero 13 ay sinabi ni Avisado na isang Atty. Red Tuazon mula sa grupo ni Dating Ako Bicol Party List Rep. Alfredo Garbin ang nanguna sa pag-imprinta ng signature forms.

Samantala, ayon sa Securities and Exchange Commission (SEC), expired na sa loob ng 20 taon ang registration ng PIRMA.

Ang meron lang anila sa SEC simula nang ma-expire ang grupo ay articles at bylaws ng pagiging incorporation.

Ayon kay Alex Avisado, ang legal counsel ni Oñate, nitong buwan lang inayos ng PIRMA ang kanilang corporate registration sa SEC.

Mula rito, sinabi ni Sen. Bato na ang PIRMA nga ang nilapitan ng Kamara dahil kahit hindi pa ito organize ay nakahanda na ang mga signature form.

Sinabi na rin ni Sen. Nancy Binay na kaduda-duda na ang kredibilidad ng grupo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble