Kamara, naghigpit sa seguridad dahil sa mga na-monitor na banta

Kamara, naghigpit sa seguridad dahil sa mga na-monitor na banta

DOBLE ngayon ang seguridad sa mga papasok sa Kamara.

Pila-pila ang mga sasakyan na papasok sa lugar.

At mas aktibo ang K-9 units sa pag-monitor sa mga kahina-hinalang bagay.

Ganito ngayon ang sitwasyon sa Batasan Complex.

Ayon kay House Secretary General Reggie Velasco, Biyernes pa nitong nakaraang linggo nang magpatupad sila ng heightened alert.

“Because the security personnel reported that there were some motorcycles they notice going around at the front of the premises,” pahayag ni Reggie Velasco, House Secretary General.

Hindi pa masabi ngayon ng Kamara kung kailan mananatili ang heightened alert.

Basta ang prayoridad nila ay ang kaligtasan ng mga kongresista at empleyado.

“We take them seriously no, and then some House members have reported they have received some threats no or they have seen some people in front of their residences, ganyang reports,” dagdag ni Velasco.

Nilinaw naman ni Velasco na hindi ‘under attack’ ang Kamara subalit mananatili silang naka-alerto.

Nanawagan naman ang Mababang Kapulungan sa mga papasok sa Batasan Complex na sumunod na lamang sa mga patakarang kanilang ipinatutupad.

Lalo na ang mga nakamotorsiklo na delivery riders.

Huling isinalang sa heightened alert ang Kamara dahil nito lamang nakaraang taon nang pinaigting din ang seguridad sa Mababang Kapulungan kasunod ng bombing incident sa Marawi City.

“But, our website has been attacked several times. In fact according to my IT staff, millions of attempts since January this year,” ani Velasco.

“We just warn them that you know, we will prosecute you once we catch you,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter