Kamara, nais palitan ang 5-6 lending scheme

Kamara, nais palitan ang 5-6 lending scheme

GUMAGALAW na ngayon ang Kamara para aprubahan ang panukalang batas na layong magbigay ng socialized financing program para sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs).

Katunayan, pasado na sa House Committee on Micro, Small and Medium Enterprise Development ang socialized financing program para sa mga maliliit na negosyo.

Tatawagin naman ang panukala bilang Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso Program (P3) Act.

Layon naman ng panukala na palitan ang 5-6 lending scheme na patok na patok sa mga maliliit na negosyo.

Karaniwan, mga Bumbay (Indian nationals) ang nagpapa 5-6 sa bansa o mga informal lender kung saan malaki ang tubo sa pagbabayad.

Follow SMNI NEWS in Twitter