Kamara, nakikipag-ugnayan na sa DICT matapos ma-hack ang official website

Kamara, nakikipag-ugnayan na sa DICT matapos ma-hack ang official website

MAHIGPIT ngayon ang ugnayan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng House of Representatives matapos ma-hack ang official website ng mababang kapulungan.

Saad ni House Secretary General Reggie Velasco, bukod sa DICT ay mahigpit rin ang ugnayan nila sa Cybercrime Investigation And Coordinating Center (CICC) at sa ibang ahensiya para paimbestigahan ang nangyari.

Tiniyak naman ni Velasco na magpapatuloy ang paggampan ng kamara sa kanilang mandato kahit nadali ng hackers ang kanilang website.

Pasensya at pang-unawa naman ang hiling kamara sa taumbayan sa aberya at tiniyak ang pagsasagawa ng technical adjustments para hindi na ito maulit pa.

‘‘We are committed to ensuring the security and integrity of our digital platforms, and we will implement additional measures to prevent such incidents in the future,’ ani Velasco.

Nanawagan rin ang Kamara sa publiko na i-report agad sa kanila kung may matanggap man na kahina-hinalang emails na nagpapakilalang galing sa kanila.

Mag-uupdate naman raw ang Kamara sa lalong madaling panahon oras na maayos nila ang problema.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter