Kamara, nanindigan na dumaan sa legal na proseso ang MIF

Kamara, nanindigan na dumaan sa legal na proseso ang MIF

NANINDIGAN ang Kamara de Representantes na nasunod ang proseso ng lehislatura sa pag-apruba ng panukala na Maharlika Investment Fund Act of 2023 o ang Republic Act (RA) No. 11954.

Sa isang pahayag na inilabas ng tanggapan ni Speaker Martin Romualdez, sinabi nito na kinikilala ng Kamara ang demokratikong proseso at ang karapatan ng bawat indibidwal na gumamit ng legal na pamamaraan para sa kanilang nais na kuwestyunin.

“We respect the democratic process and the right of every individual to seek legal redress. The House of Representatives, under my leadership, has always prioritized the observance of legislative procedures and adherence to the Constitution,” ayon sa pahayag.

Ayon sa Kamara, ang kanilang intensiyon nang aprubahan ang Maharlika Investment Fund Act ay maisulong ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa, matugunan ang kahirapan at makalikha ng oportunidad sa mga Pilipino na makapagtrabaho.

Ipinunto ng Kamara na pangkaraniwan lamang na nababago ang mga panukala sa pagdaan nito sa proseso at ginagawa umano nila ito alinsunod sa Konstitusyon at itinakdang alituntunin.

Tiwala naman ang Kamara sa magiging pasya ng Supreme Court at sa pagtimbang nito sa merits ng petisyon kontra MIF.

Iginiit din ng Kamara ang kahalagahan na ituon ang atensiyon sa mga bagay na makatutulong sa mga Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble