HINDI na muna itutuloy ng House Quad-Comm ang imbestigasyon sa War on Drugs sa ilalim ng Duterte Administration.
Ito’y kahit kakasa na sana sa kanilang pagdinig si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sagutin nang personal ang katanungan ng mga mambabatas.
Sa halip na sa Nobyembre 13, mauurong na sa Nobyembre 21 ang imbestigasyon.
Humingi naman ng paumanhin ang Quad-Comm sa dating Pangulo.
Sa kabilang banda, andito na sa Metro Manila ang dating Pangulo at mga staff nito nang biglang i-urong ng Kamara ang imbestigasyon.