TINIYAK ni House Speaker Martin Romualdez ang pagtugon sa lahat ng concerns na binanggit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa APEC Summit.
Sa kanyang opening remarks sa APEC CEO Summit, binanggit ni Pangulong Marcos na ang mga bansa sa Asia-Pacific ay dapat magtulungan sa pagtugon sa isyu ng food security, global health system at climate change.
Sa panig nila sa Kamara ani Romualdez, nakalatag na ang mga panukalang batas na ipapasa nila sa Mababang Kapulungan para matututukan ang food security.
Sa global health system, gumagalaw na rin ang Kamara sa pagpasa sa Medical Reserve Corps bill, National Disease Prevention Management Authority bill at ang Virology Institute of the Philippines bill.
Habang sa climate change, pinag-aaralan ng Kamara ang pagsali sa renewable energy sa energy mix ng bansa para sa pag-amyenda sa EPIRA law.
Sa huli, ani Romualdez na magiging proactive ang 19th Congress sa ilalim ng kanyang liderato para isaprayoridad ang priority legislation ng administrasyon.