Kamara, tumanggap ng P120-M na tulong para sa mga biktima ng bagyo at sunog

Kamara, tumanggap ng P120-M na tulong para sa mga biktima ng bagyo at sunog

UMABOT sa P120 million na incash at inkind ang donations ang tinanggap ng Kamara sa kanilang relief drive para sa mga biktima ng Bagyong Paeng at sa mga biktima ng malaking sunog kamakailan sa Navotas City.

Sa birthday celebration ni Speaker Romualdez nitong Lunes, nakapag-raise ang Kamara ng P70.92 million cash at pledges para sa mga biktima ng sunog sa Navotas kung saan 5 ang naitalang nasawi.

Bukod dito, P49.2 million in cash at in kind donations din ang natanggap ng Kamara para sa kanilang relief drive sa mga biktima ng Bagyong Paeng.

Nagpalasamat naman ang lider ng Kamara sa mga kasama niyang kongresista na may malasakit sa pagtulong sa mga nangangailangan.

‘’Kung minsan kasi affected tayo di ba? Bigla nalang mauubusan kayo. Mabuti na lang nandito yung mga kapwa natin kongresista, tutulong at minsan naman yung naitulong mo dati pagmay-nangyari sa’yo sila naman ang tumutulong,’’ ani Romualdez.

Nauna nang nagbigay ng P5-million na initial cash assistance ang Kamara kay Navotas Rep. Toby Tiangco para ipangtulong sa mga constituent nito na biktima ng sunog.

Follow SMNI NEWS in Twitter