Kamara, umaasa na hindi ibi-veto ni PBBM ang SIM Card Registration Bill

Kamara, umaasa na hindi ibi-veto ni PBBM ang SIM Card Registration Bill

UMAASA ang Mababang Kapulungan sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez na hindi ibi-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang SIM Card Registration Bill.

Ito’y dahil pinagtibay na ng Kamara at Senado ang panukalang mairehistro ang lahat ng SIM cards.

Ayon kay Romualdez, hindi naman kasali sa panukala ang naging kontrobersyal na probisyon hinggil sa mandatoryo ring pagpapa-register ng social media accounts.

Kung matatandaan, ito ang dahilan kung bakit nai-veto ito ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noon.

Samantala, kung maisabatas ang panukala, magiging solusyon ito sa laganap na panloloko sa pamamagitan ng text messages.

Follow SMNI NEWS in Twitter