Kampanya ng BSP sa P1,000 polymer bill, wagi sa int’l award

Kampanya ng BSP sa P1,000 polymer bill, wagi sa int’l award

ITINANGHAL ang P1,000 polymer banknote ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa 2023 Excellence in Currency Award sa Mexico.

Iginawad sa BSP ang “Best New Currency Public Engagement Program”.

Ito’y dahil sa tagline ng bagong bill na ‘smarter, cleaner, and stronger’.

Tinalo ng P1,000 polymer ng BSP ang Royal Canadian Mint at Central Bank of Barbados.

Bukod dito, itinanghal din ang bagong banknote noong 2022 bilang Banknote of the Year ng Int’l bank Note Society.

Samantala, naglabas ang BSP ng coin set na 100-piso, 20-piso at 5-piso denominations bilang paggunita sa declaration of Philippine Independence.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter