Kampanya ni Pastor Apollo Quiboloy, itutulak ng KOJC, supporters, at PDP-Laban

Kampanya ni Pastor Apollo Quiboloy, itutulak ng KOJC, supporters, at PDP-Laban

LIBU-libong supporters ang dumagsa sa nasabing proclamation rally, kahit na hindi personal na nakadalo si Pastor Apollo Quiboloy.

Ngunit ayon sa kaniyang kinatawan, si Atty. Israelito Torreon, naniniwala ang kanilang kampo na maisusulong nila ang kaniyang kampanya at tagumpay sa darating na halalan.

“Inoorganisa na po ang mga miyembro ng KOJC, at marami pong nagbo-volunteer, kahit hindi kasapi ng KOJC. Nariyan din po ang suporta mismo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng hanay ng PDP-Laban. Lahat po sila ay nagkakaisa upang matulungan si Pastor Apollo Quiboloy na maiparating ang kanyang mensahe sa sambayanang Pilipino,” pahayag ni Atty. Israelito Torreon, Representative ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Atty. Torreon, tumakbo si Pastor Apollo sa pagkasenador bilang isang matapang na protesta laban sa aniya’y political harassment na kaniyang nararanasan.

Ngunit sa kabila nito, nananatiling nakasentro sa nation-building ang mga isinusulong na plataporma ni Pastor Apollo, partikular na ang zero corruption sa gobyerno.

Sa proclamation rally, nagbigay si Pastor Apollo ng isang makabuluhang video message na, ayon kay Atty. Torreon, ay may pahintulot mula sa korte.

Paliwanag ni Atty. Torreon itinuturing ng batas na inosente si Pastor Apollo kung kaya’t pinayagan siyang maglabas ng mensahe para sa kaniyang mga supporter.

Kaugnay nito ay ibinunyag ni Torreon na kanila na ring hiniling sa korte na isailalim na lamang sa house arrest si Pastor Quiboloy dahil na rin sa kaniyang edad at kalusugan.

Si Pastor Apollo ay tumatakbong senador bilang guest candidate ng PDP-Laban.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter