NAGSIMULA na ngayong araw ang opisyal na pangangampanya para sa Upper House sa Japan.
Nasa kabuuang 125 pwesto ang bakante para sa higit 200 miyembro ng Upper House.
Inaasahan naman na aabot sa higit 500 katao ang magpapasa ng kanilang kandidatura.
Ang triennial election na ito ay isa namang kritikal na pagsubok para kay Prime Minister Fumio Kishida para mapalakas ang voter confidence niya sa pangangasiwa ng gobyerno.
Samantala, ang Liberal Democratic Party naman na pinamunuan ni Kishida ay naglalayong mapanatili ang majority ng pwesto sa Upper House.
Kaugnay nito, ang tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin sa Japan ay pinangangambahan ng ruling liberal party at opposition parties na makakaapekto sa kampanya nito.