PINURI ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang matagumpay na kampanya sa peace and order ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay kasabay ng paglulunsad ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan o BIDA Program sa PNP bilang bahagi ng drug reduction at rehabilitation ng gobyerno.
Ayon kay Interior Undersecretary Oscar Valenzuela, pang-apat na lamang ang peace and order sa mga inaalala ng publiko, batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Patunay aniya na hindi gaanong nababahala ang publiko sa kanilang kaligtasan dahil ginawa ng PNP ang kanilang trabaho laban sa kriminalidad.
Naniniwala rin si Valenzuela na sa tuwing lalabas ang ating mga kababayan ay maaari nang sabihin na “enjoy,” sa halip na ang nakasanayang sinasabi na “mag-ingat”.
BASAHIN: ‘BIDA Program’ laban sa iligal na droga, inilunsad ng PNP