Kampanya vs ilang party-lists na konektado sa CPP, responsibilidad ng estado – Malakanyang

Kampanya vs ilang party-lists na konektado sa CPP, responsibilidad ng estado – Malakanyang

INIHAYAG ng Malakanyang na responsibilidad ng estado na ipabatid sa publiko ang pagkakakilanlan ng grupo ng party-lists na may ugnayan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-New Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Dinepensahan ng Palasyo ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kasunod ng pagpangalan nito sa partylist groups na may ugnayan sa CPP-NPA-NDF.

Sabi ng Malakanyang, obligasyon ng pamahalaan na ipaalam sa mamamayan ang klaseng grupo na kanilang iluklok sa posisyon sa estado.

Sa isang statement, sinabi ni Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na tungkulin ng gobyerno na protektahan at depensahan ang Konstitusyon maging ang mga Pilipino laban sa mga rebeldeng grupong sumira ng buhay sa loob ng limang dekada.

“It is government’s sacred duty to defend and protect our Constitution and our citizens from these communist terrorists who have wreaked havoc and destroyed countless lives for over 5 decades,” pahayag ni Andanar.

Muling ipinabatid ng Palasyo na tanging layon lang ng komunistang grupo ang pagwasak sa  democratic process o sa gobyerno.

Giit ni Andanar, ang pagpangalan ni Pangulong Duterte sa mga party-lists na nagsisilbing legal fronts ng NPA, ay pagpapayo ng Punong-Ehekutibo sa mga Pilipino.

Nang sa ganoon,  hindi na aniya ibalik ng mga botante sa Kongreso ang mga pinangalanang party-list groups na kinabibilangan ng Kabataan, Anakpawis, Bayan Muna, Alliance of Concerned Teachers at Gabriela o ang KABAG party-lists na legal fronts ng CPP-NPA-NDF.

Saysay ng Palasyo, gagamitin lamang ng mga naturang grupo ang kapangyarihan ng Kongreso para saktan ang taumbayan at ang bansa, gaya ng ginagawa na ng mga ito sa nakalipas na 53 taon.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na ang rebeldeng komunista ay gumagawa ng pera mula sa pag-endorso sa mga kandidato kung saan tanging ang mga lider lamang naman nito ang nakikinabang.

Una nang nanawagan si Pangulong RDuterte sa publiko na huwag iboto ang Makabayan party-list groups dahil sa ito ay “legal fronts” ng Communist Party of the Philippines (CPP).

BASAHIN: Pagbasura ng Korte Suprema sa apela ng mga kontra sa anti-terror law, simula ng bangungot ng Makabayan Bloc – dating kadre

Follow SMNI News on Twitter