Kampanya vs katiwalian sa OTS, dapat ipagpatuloy—Aplasca

Kampanya vs katiwalian sa OTS, dapat ipagpatuloy—Aplasca

DAPAT ipagpatuloy ang kampanya kontra katiwalian sa Office for Transportation Security (OTS).

Ito ang panawagan ni OTS chief Ma. O Aplasca kahit anuman ang magiging resulta ng paghahain niya ng courtesy resignation alinsunod sa panawagan ni House Speaker Martin Romualdez.

Ipinanawagan din ni Aplasca kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na kung sinuman ang sakaling ipapalit sa kaniya sa puwesto ay mabigyan ng buong tiwala at suporta gaya ng suportang kaniyang natanggap kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Kahapon, Setyembre26 nang inihain ni Aplasca ang kaniyang courtesy resignation.

Subalit inamin nitong ikinagulat niya ang panawagan na ito ni Romualdez.

Depensa ni Aplasca, siya mismo ang nangunguna para habulin ang mga pasaway na OTS personnel kung kaya’t parang kwestiyunable sa kaniya na siya ang inaatake ngayon at pinapa-resign.

Nauna nang sinabi ni Romualdez na hindi mabibigyan ng pondo ang OTS kung hindi magre-resign si Aplasca.

Follow SMNI NEWS on Twitter