Kampo ng dating alkalde ng Lamitan, umaasa ng mabilis na desisyon ng korte

Kampo ng dating alkalde ng Lamitan, umaasa ng mabilis na desisyon ng korte

UMAASA ang kampo ng pinaslang na si dating Lamitan Mayor Rose Furigay na magkakaroon ng mabilis na desisyon ang Korte Suprema sa suspek na si Chao Tiao Yumol.

Umaasa rin ang kampo na hindi na tatagal ng 6 na buwan ang pagdinig sa kaso.

Ayon din sa abogado ni Furigay, mahaharap si Yumol ng 3 counts ng murder, one count of frustrated murder at carnapping.

Titiyakin ng kampo ni Furigay na mapananagot ang suspek na una na ring umamin sa kanyang ginawang krimen.

Una nang naharap sa multiple counts ng cyber libel ang suspek dahil sa mga akusasyon nito kay former Mayor Furigay.

Magugunitang, nadamay rin sa pagpaslang kay Furigay ang long-time aide nito na si Victor Capistrano at security guard ng Ateneo de Manila University na si Jeneven Bandiala.

Follow SMNI NEWS in Twitter