MULA sa detention facility ng Senado sa Pasay, muling ibiniyahe ang lider ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) na si Jay Rence Quilario alyas Senyor Agila sa Department of Justice (DOJ) sa Maynila para muling iharap sa clarificatory hearing.
Kasama nito ang Vice President ng SBSI na si Mamerto Galanida, at iba pang miyembro na sina Janet Ajor at Karen Sanico.
Ang mga ito ay pareho-parehong na-contempt ng Senado at ikinulong dahil sa umano’y pagsisinungaling sa mga tanong ng senador.
Ang mga complainant at testigo laban sa kampo ng grupo ni Senyor Agila ay muli ring iniharap sa DOJ hearing.
Pero ang mga ay ito hiwalay sa kwarto kung saan si Senyor Agila at iba pa nitong kasama.
Pagdinig sa mga reklamo laban kay Senyor Agila at iba pa, submitted for resolution na ayon sa abogado ng SBSI
Ang kampo ni Senyor Agila, nagsusumite ng supplemental counter affidavit sa mga additional charges.
Mayroon na anila kasi silang naunang counter affidavit na naisumite para sa mga naunang reklamo sa Surigao del Norte.
Kung anong laman ng supplemental counter affidavit, ayaw nang sabihin ng abogado.
Matatandaang maliban sa iba pang reklamo, sinampahan din ng child abuse, kidnapping, serious illegal detention at paglabag sa RA 11596, o may kaugnayan sa child marriage si Senyor Agila na siyang subject for preliminary investigation ng mga prosecutor.
Nagtagal ng tatlong oras ang hearing.
Tumanggi ang kampo ng SBSI na ibahagi ang nangyari sa hearing pero ito umano ay submitted na for resolution.