OKTUBRE 31 2024, araw ng Huwebes pinasok ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang compound ng umano’y POGO hub sa Brgy. Cabog, Bagac Bataan.
Bitbit ang search warrant agad na hinalughog ng mga operatiba ang gusali at mga opisina na pagmamay-ari ng Central One Bataan PH dahil sa reklamo ng human trafficking.
Ngunit ilang araw matapos ang raid ng mga operatiba humarap sa media ang abogado ng Central One PH at iginiit na ang nasabing operasyon ng PAOCC ay isang failure of intelligence.
“Actually, we call this a failure of intelligence,” saad ni Atty. Cherry Anne Dela Cruz, Representative, One Central PH.
Paliwanag ni Atty. Dela Cruz malabo ang naging operasyon ng mga awtoridad dahil ang sinasabi sa kanila ng PAOCC wala umano silang permit sa PAGCOR—ngunit ang dala ay search warrant dahil umano sa human trafficking.
“Wala kayong lisensya wala kayong secondary license from PAGCOR kaya daw po sila magse-search but of course upon checking the search warrant lalabas doon na ang hinahanap nila is alleged human trafficking so hindi po nagja-jive ‘yong search warrant nila dun sa sinasabi nila na violations namin for lack of license so they secure a search warrant from the court para ka i-search sa human trafficking pero pagpasok mo ang binabato mo sa amin wala kayong lisensya to operate wala kayong PAGCOR license,” ani Dela Cruz.
Isa rin sa ipinagtataka ng kampo ng One Central PH ay bakit walang kasamang taga-Bureau of Immigration kung talagang human trafficking ang kanilang violation.
“Actually, medyo questionable po sa amin yon kasi the usual operations should include also BI since you are targeting allegedly saving 300 foreign nationals dapat kasama po jan ang BI and doon po sila site dapat iche-check magkakaroon po ng berepekasyon doon sa site pero hindi po ito nangyari,” aniya.
Ibinahagi rin ni Atty. Dela Cruz sa media ang mga patagong kuha ng kanilang empleyado nang mag-raid ang PAOCC sa kanilang lugar na kung saan pinagsasampal ng na-relieve na tagapagsalita ng PAOCC na si Winston Casio ang isang empleyado.
Matinding trauma naman sa mga empleyado ang idinulot ng nasabing operasyon.
“Daming na traumatized meron pang isang kwenta na empleyado na buntis na paglabas nya ng kwarto tinutukan siya ng baril yon po yong worry ng kompanya ‘yong mga empleyado.”
“Ang hindi pa lumabas sa media is ‘yong pagkatapos nag amin siyang interbyuhin hindi ko na muna papangalanan because were still trying to get CCTV of how it happened na pinagsusuntok din siya sa tagiliran,” aniya pa.
Sa ngayon, nais ng kampo ng One Central PH na ipawalang bisa ang search warrant na inihain laban sa kanila.
“So we will be of course going to the courts to file a quash of the search warrant,” aniya.
Sa huli, nilinaw ni Atty Dela Cruz na hindi sila POGO hub
“First po is ‘yong One Central is a BPO meron po kami lisensya na inisyu ng freeport of Bataan kung saan meron naman silang otoridad na mag isyu ng lisensya galing sa kanilang charter so ang inisyu po nila sa amin ay para kami ay maging business process outsourcing particularly po nagse-serve po kami parang kami ang back and support ng mga kliyente hindi po kami POGO uulitin ko hindi kami POGO hindi kami gambling operator,” aniya.